'Di bale nang mamatay o magkasakit ang ibang tao..'
Ang lungkot naman nito. Lately kasi ang mga napapanood ko sa balita maire-relate ko sa sentence na 'to.
- Laganap ang pagtitinda ng 'botcha' sa ilang palengke sa kamaynilaan.
- Pagtitinda ng mga isda na nahuli sa pamamagitan ng cyanide or dynamite fishing.
Tinitinda parin nila kahit alam nila na magkakasakit ang mga taong kakain nun.
Malaki ang malulugi nila kung hahayaan nalang nilang itapon o ibaon ang mga nasabing paninda, palibhasa may bumibili kasi.
Caegory ng mga bumibili:
- Mamimiling hindi alam ang itsura ng mga double dead na baboy o isdang illegal na hinuli.
- Mamimiling basta mura ang tinda papatusin. *medyo ganun ako pero buti di ako namamalengke*
- Mamimiling naghahangad na kumita din ng pera kaya binibili nila para ibenta din sa iba *safe nga naman sila sa sakit*
Ang kawawa dito, una yung hayop.. Sabagay, di naman nila ginustong magkasakit o mamatay sa di wastong paraan. Naging instrumento lang sila para makapagkalat ng sakit, sila pa ang nawawalan ng saysay ang buhay. Kawawa.. *teka, dapat kaya sisihin ang mga nag-alaga sa kanila?*
Sunod, mga taong makakakain. Ang tinutukoy ko yung mga taong hindi alam na botcha yung kinakain nila. Akala nila sagot sa kagutuman ang nakuha nila, yung pala mas matinding kagutuman ang makukuha nila dahil malaki ang gagastusin nila sa pagpapagamot o pag namatayan ng kaanak, wala nang magtatrabaho. Sige, kawawa din yung mga bumili talaga ng botcha kahit alam nila na double dead yun. Di ko masyado ni-stress ang awa para sa kanila kasi alam naman nila na ganun bakit binili pa.. well, biktima siguro ng kahirapan.. *sino ang dapat sisihin sa kahirapan?*
Basta ako, wish ko lang, wala akong makain na ganito.. *watch out canteen, mcdo, at lola ko na nagluluto ng food ko* Hehe!
1 comment:
Hmmm...very true, grabe na talaga ngayon. minsan di na iniisip ang kapakanan ng iba - "... basta kumita lang" just what your title is all about.
there is also what we call morality and business ethics, pero dahil siguro nga sa kahirapan, kakulangan sa pag aaral, etc.
Lets do our part na lang siguro. :)
Post a Comment