Sa inaraw-araw kong pagpasok sa trabaho, may nadadaanan kaming pond na laging maraming itik na lumalangoy.. Naaalala ko yung dati kong pet itik na si Twik-Twik tuwing mapapadaan dun.
Ang Storya Ni Twik-Twik
Nung elementary ako, uso pa noon yung bunutan.. yung may piraso ng papel kang sisipat sipatin kung anong number yung nakasulat (invisible kuno).. Tapos sasabihin mo sa manong na nagpapabunot kung anong number ang hula mo.. Itutubog yung papel sa tubig, tas lalabas na yung number. Pagnahulaan mo, may prize ka.. Nung araw na yun sisiw at itik ang premyo. Naalala ko dalawang piso pa ang taya noon.
Medyo suki ako ni kuya kasi nakakatuwa yung premyo, may kulay na sisiw at mga itik. Di naman ako ganun kaswerte pero tumatama din naman ako. Naka-ilang sisiw din ako, kaso namamatay.. Di kaya dahil sa kinulayan sya kaya namamatay?
Nakabunot din ako ng ilang itik, mga 3 ba o 2.. Di ko na matandaan.. Inalagaan namin, may kulungan kami ng manok sa bahay kaya dun sila inilagay.. Pinangalanan kong Twik-Twik yung isa.. May pangalan din ata yung isa pero di ko na tanda.. Malambing kasi yun sakin kaya napangalanan. Tuwing uuwi ako galing school, binubuksan nila yung kulungan, minsan pinapagala lang talaga.. Tapos hahabulin ako ni Twik-Twik at kukurutin ang medyas o palda ko.. Ang kulit lang talaga.. :) Hinahabol ko naman sila. :)
Lumaki sila. Tuwang tuwa ako kina Twik -Twik. Kaso nag-birthday ako. Sabi sakin kakatayin na daw sila. Kinatay nga nila at inihanda. Di ako kumain. Kawawa naman kasi, pinasaya din naman kasi ako nila Twik-Twik, kaso ganun ata talaga ang kapalaran nila.
Ayun, natutuwa lang ako pagnaaalala ko si Twik-Twik. Nakakatuwa. :)